fbpx
  • Search
  • Lost Password?
  • Lost Password?

MGA ESTUDYANTE NG CBSUA NA AYAW SA RENAMING, GINAWAN NG FAKE ACCOUNTS

Kaliwa’t-kanang Identity Theft report ang nireklamo ng ilang mga estudyante ng CBSUA na umanoy ginawan ng fake FB ng kampo ni Villafuerte.

Nagulat ang ilang mga estudyante ng CBSUA ng mapansin nilang ginamit ang kanilang mga litrato at mga pribadong detalye ng mga hindi kilalang accounts na lantarang sumusuporta sa mga Villafuerte.

Blocked ang totoong accounts

Ikinagulat ng mga estudyante na blocked na ang kanilang mga totoong accounts sa mga Facebook Pages ng mga Villafuerte. Ngunit may mga nagco-comment na mga fake accounts na ginamit ang kanilang retrato, pangalan at iba pang personal na detalye.

Makikita sa mga shared posts at comments ng mga nasabing troll accounts na pinapalabas na sumusuporta ang mga ito sa mga Villafuerte. Ginagamit rin umano ito para sumang-ayon at magkomento patungkol sa panukalang batas ni Villafuerte na ipalit ang pangalan ng kanyang ama na si Luis Villafuerte sa CBSUA.

Nais ni Villafuerte gawing “Gov. Luis Villafuerte University of Agriculture” ang ngayo’y “Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA)” na bagay na hindi sinangayunan ng mga estudyante, teacher at mga faculty ng nasabing Institusyon.

Hindi man lamang umano ito ipinaalam sa kagawaran ng paaralan o wala man lamang naganap na konsultasyon sa mga stakeholders. Nalaman na lamang nila ang balita nang naging usap-usapan na ito sa social media.

Nangangamba naman ang mga estudyante sa kanilang seguridad dahil sa mga troll account ng mga Villafuerte na nag labasan.

Lahat umano ng post na makikita sa mga troll accounts na ito ay taliwas sa kanilang prinsipyo at pinaniniwalaan.

May be an image of text

Kapansin-pansin rin umano ang dami ng troll accounts ni Villafuerte na lantarang ginagamit sa pamumulitika at paninira.

Ayon sa RA 10175, ang isang taong napatunayang may sala sa krimen ng identity theft ay maaaring patawan ng pagkakakulang na prison mayor o mulatang di bababa sa PHP200,000.00 o parehong pagkakakulong at multa.

3 comments

Calendar

October 2021
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031