Sinampahan ng patong-patong na kaso ng katiwalian sa Office of the Ombudsman si Gov. Migz Villafuerte.
Sinasabing milyun-milyon ang kabuuang halaga ng umano’y ninakaw nila sa probinsya.
Nasilip rin umano ng COA ang nasabing anumalya.
Dalawang plunder case ang isinampa ni Carlo M. Batalla sa Gobernador, base sa datos nasilip ang nasabing anumalya sa isang proyektong pakalsada nito pati na rin sa mga relief goods na papalo umano sa 134 Million.
Kung maaalala ilang beses na rin’ nasuspinde ang ama nitong si Cong. LRay Villafuerte dahil rin sa kaso ng korupsyon.
Maraming dismayado at galit sa matagal nang paghahari-harian ng mga Villafuerte sa Camarines Sur dahil sa maraming kaso ng katiwalian, korupsyon at harassment.
Bukod dito, sila rin umano ang utak ng pagpapakalat ng maraming fake news na kanilang ginagamit upang mangipit at manira sa mga kalaban nila sa Politika.
Gumagastos umano sila ng milyong-milyong halaga sa kanilang pages upang manira at nagbabayad rin ng mga tao para gumawa ng mga troll accounts, na nagnanakaw ng identity ng ibang tao para magmimistulang pabor o sang ayon sa kanilang mga facebook posts.
READ MORE: https://bicoltimes.com/2021/10/15/mga-estudyante-ng-cbsua-na-ayaw-sa-renaming-ginawan-ng-fake-accounts/
Marami pang nakabinbin na kaso sila Cong. LRay Villafierte at Gov. Migz Villafuerte na karamihan ay may kaugnayan sa korapsyon.