fbpx
  • Search
  • Lost Password?
  • Lost Password?

Bordado, Ginawan ng Fake News ng Kampo ni Villafuerte Matapos Harangin ang Renaming ng CBSUA

Kaliwa’t-kanang paninira ang lumalabas sa social media ngayon patungkol kay Third District Representative ‘Gabby’ Bordado.

Ilang mga news pages na halatang pinamamahalaan ng kampo ni Villafuerte ang naglalathala ng mga fake news o mga paninirang ito.

Halatang-halata rin na pinuputakti’ si Bordado ng mga Troll Accounts ng kampo ni Villafuerte.

Kung maaalala nauna ng naibalita ang lantarang pagnanakaw ng pagkakalinlanlan ng iba’t-ibang indibidual pati na ng mga estudyante at mga guro ng CBSUA ng kampo ni Villafuerte para magmukang umaayon ang mga ito sa kaniya.

Nagmitsa ang paglabas ng mga paninirang ito kay Congressman Bordado ng maninindigan ito na tutulan at humiling ng malawakang konsultasyon para kagustuhan ni Villafuerte na gawing “Gov. Luis Villafuerte University of Agriculture” ang ngayo’y “Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA)” na bagay na hindi rin sinangayunan ng mga estudyante, teacher at mga faculty ng nasabing Institusyon.

No photo description available.

Hindi man lamang umano ito ipinaalam sa kagawaran ng paaralan o wala man lamang naganap na konsultasyon sa mga stakeholders.

Nalaman na lamang nila ang balita nang naging usap-usapan na ito sa social media.

Ipinakita ng mga estudyante, guro, at alumni ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang kanilang mariing pagtutol sa tangkang pagpapalit ng pangalan ng kanilang pamantasan.

May be an image of 4 people, people standing and outdoors

Samatala, dahil sa pagtutol ni Bordado sa pansariling intensyon ni Villafuerte sunod-sunod na fake news ang ibinato nito sa Kongresista. Naka “boost” pa umano ng libo-libong piso ang mga paninirang ito upang mabilis kumalat ang paninira at dumami ang social media interactions.

Ipinagtanggol naman si Borado hindi lang ng mga estudyate at guro ng paaralan pati narin ang mga tao sa kaniyang nasasakupan.

May be an image of 1 person and standing

Kilala umano nila ang kongresista sa husay at tapat nitong pamumuno. Malinis na track records hindi umano tulad ng mga Villafuerte na patong-patong ang kaso ng katiwalian at iba’t-iba pang paglabag.

Kilala ang mga Villafuerte na maduming makipaglaban sa larangan ng pulitika. Hindi na umano bago sa mga ito ang manira.

Nagpapatuloy pa rin ang isinsagawang signature campaign ng ilang grupo para tuluyang maibasura ang House Bill 10170 

May be an image of outdoors and monument

Oktubre 12 nang unang isalang sa komite ang bill. Wala pang schedule kung kailan ang susunod na hearing.

Calendar

October 2021
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031