fbpx
  • Search
  • Lost Password?
  • Lost Password?

Mayor sa Bicol, Inangkin ni Marcos ang Suporta. Pumalag. Si VP Leni Daw ang Suportado.

Matapos magpakita ng ebidensyang picture, sinabi ng talunang VP candidate at ngayo’y Presidential Aspirant Bongbong Marcos na 11 na mayors ng Camarines Sur, Bicol ang nagpahayag ng suporta sa kanya. Ang Camarines Sur ay kilalang balwarte ng kanyang kalabang si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa press release ni Marcos, sumusuporta sa kanya ang mga mayors na ito:

May be an image of 11 people, people sitting, people standing and indoor
  • Fermin Mabulo (San Fernando)
  • Migay Ibasco (Bula)
  • Tom Bocago (Sipocot)
  • Melanie Abarientos (Del Gallego)
  • Weny Sabalbero (Cabusao)
  • Nelson Legaspi (Canaman)
  • Anthony Reyes (Milaor)
  • Ed Severo (Calabanga)
  • Chris Lizardo (Minalabac)
  • Leonardo Agor (Gainza)
  • Boy Franco (Pamplona)

Ngunit mariin itong tinanggihan ng Milaor Mayor na si Anthony Reyes. Ayon sa kanya, ang naturang meeting ay para sa Liga ng Municipalities na pinamumunuan ni Mayor Chavit Singson na kilalang supporter ni Bongbong Marcos.

Ayon sa mga sources na nasa naturang pagtitipon, bumisita lang umano si Bongbong Marcos sa meeting at nagpapicture. Ikinagulat ng karamihan nang bigla na lamang ito nagannounce na sumusuporta sa kanya ang mga naturang mayors.

Sinabi naman ni Mayor Anthony Reyes na patuloy at hindi nagbago ang suporta nya kay VP Leni Robredo.

Calendar

January 2022
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31