fbpx
  • Search
  • Lost Password?
  • Lost Password?

LENI PA DIN! Caloy Loria, Binura ang mga Pro-Duterte Posts Matapos I-Bash ng mga Albyanon

Tila nagkamali ng “change” ang tumatakbong kongresista ng ikalawang distrito ng Albay na si Caloy Loria.

The Duterte-Loria Connection

Ilang beses nang nagparamdam ang nasabing kandidato ng posibleng alyansa sa mga Duterte. Mukhang nagkatotoo na ito nang i-hire bilang campaign manager ni Caloy ang isa sa mga social media staff ni Sara Duterte na si Kitz Barja.

Ayon sa mga sources, si Kitz ang naging tulay para sa alyansa nila ni Caloy Loria at mga Duterte na nafinalized nang magtungo si Caloy sa Davao City kahapon na proud naman na inannounce ni Caloy sa isang Facebook post.

Pati ang kanyang kanang kamay at kamag-anak na so Edsel Loria Guerrero ay nagpost din ng larawan ng agila at buwaya. Matatandaan na ang agila ang ginagamit na simbolo ni Sara Duterte.

Ang problema, mukhang hindi ito naging mabuti sa mga Albayanon. Si Caloy ay dating kilalang supporter ni dating VP Leni Robredo na ngayon ay lumipat na kay Sara.

Tila hindi pa din nawawala ang galit ng mga Bicolano sa mga Duterte dahil na din sa mga isyu tulad ng West Philippine Sea at ng Extra Judicial Killings.

May Galit ba si Atty. Leni Kay Cal? The Land Cruiser Issue

Ayon na din sa mga sources sa loob ng kampo ni Atty. Leni Robredo, hindi umano maganda ang timpla ni Caloy Loria sa dating Vice President dahil nabuko umano ni Leni na maraming kinolektang donasyon si Caloy para kay sa candidacy for President ni VP Leni noong 2022 na hindi niremit sa campaign.

Imbis na ibigay nang buo, itinago umano ni Caloy ang karamihan ng pera at meron pang parte ang ipinambili ng bullet proof na Toyota Land Cruiser na hanggang ngayon ay gamit nya.

May Pagbura?

Matapos ma-bash ng mga Albayanon, makikita na binura na ni Caloy ang kanyang mga Pro-Duterte posts.

Calendar

September 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30